( Photo from Ate Sarah's Multi )
Baka inyong isipin na ako’y taga-bundok dahil sa aking taytel. Inosente baga? Ngunit kayo’y nagkakamali dahil ang tinutukoy ko ay ang aking first Manila escapade ng mag-isa. Nakakatawa dahil hindi na latest ito eh naisipan ko pa ilagay dito. Aba walang pakialaman, blog ko ‘to noh...
April 18, 2008
Friday
Nag-umpisa ang aking araw sa ganap na ika-4 ng umaga. Kailangan ko kasing gumising ng maaga para ihanda ang gamit na dadalin ko sa Yupi at sa aming swimming party. Naeexcite na ako dahil muli kong makikita ang aking mga kaibigang adik kay Sam (wuahaha) na noong Pebrero ko pa huling nakita. Sabi ni Dadi na 6am dapat ako umalis ng bahay para makarating ako dun bago mag-8. Eh alam naman ng lahat ang aking kakuparan samahan pa ng kakuparan ni Mami sa pagbibigay ng isa sa pinakamahalagang bagay sa aking adbentyur, ang baon kong pera. Ayun 6:30 na ako nakatapak sa aircon bus ng Baliuag Transit na byaheng Cubao.
Pagpasok ko sa bus sumalubong agad sa akin ang halimuyak ng air freshener na korteng krismas tri, di ata kumpleto ang bus pag wala nito. Sa paghahanap ko ng mauupuan ay pinaandar na agad ito ng drayber na may galit ata sa akin kaya’t muntik nang sumubsob ang cute kong mukha sa upuan ng isang groovy na lolang tila galing sa lahi Madam Auring. Nakarating ako sa dulo ng bus at ang nakita ko lamang na bakanteng upuan ay sa tabi ng isang mamang mukhang isa sa mga goons sa pelikula ni FPJ. Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo, goodluck sakin.
Nagsimula ang mahabang byahe at nadaanan ko ang mga pamilyar na lugar tuwing luluwas ako ng may kasamang mas matanda. Pero ngayon, I’m all alone. Himala nga kasi pinayagan ako. Siguro preparations na rin para sa college.
Traffic. Billboards. Rugby boys. Malapit na ako sa aking destinasyon. Dahil Yupi ang una kong pupuntahan, pumara ako sa kanto bago ang istasyon ng MRT ngunit hindi huminto ang mabait na bus driver, sa MRT nalang daw mismo ako bumaba. Kaya hayun muntik nanaman ako masubsob saka palang ako nakalanghap ng sariwang hangin o should I say usok. Anlayo tuloy ng aking nilakad papunta sa harap ng Trinoma kung saan matatagpuan ang mga jeep byaheng Yupi. Pagsakay ko ay napuno naman agad ang jeep pero oh my sinabawang gulay, artista yata ang aking katabi! ‘Pag nakasideview eh may hawig siya kay Dan Radcliffe. Ohlala... Kaya lang ay hindi pala siya kaloob sakin ng Maykapal dahil di nagtagal ay napagtanto kong gf niya ang gerlalu sa kanyang tabi. Tsktsktsk(ganun?)...Habang patuloy ang aking panghihinayang ay naramdaman ko na lamang na kami ay nasa Yupi na dahil nakita ko ang napakaraming tent ng mga nagcacamping na boy scouts. Nakita na namin sila noong Miyerkules at akalain mo andun pa rin sila. Sa Vinzon’s Hall na ang huling stop ng jeep. Napakalayo pa nito sa UPHS na aking dapat paroonan. Eh anu nga ba ang magagawa ko? Inumpisahan ko ang paglakad sa masukal na kagubatan este kaYupihan pala. Sa di kalayuan ay nakakita ako ng grupo ng boy scouts na nagmamarcha , nainggit ako kaya nakimarcha ako sa kanila. Mukhang tanga lang eh. Wahaha...
Pagdating sa UPHS ay pudpod na ang aking tsinelas at dahil nga sobrang swerte ko, tinalakan ako ng matandang mangkukulam sa Table3 dahil wala pa daw ang x-ray results. 45 minutes ako napanis sa paghihintay sa kaprasong papel na galing pa sa ilalim ng building ng UP Health Service. Nang sa wakas ay makuha ko na ang aking pakay, nagmadali na akong makarating sa aking next destination. Traffic kaya quarter to 9 na ako binaba ng jeep sa Mcdo sa tapat ng Trinoma. Huli na ng narealize ko na isang kilometro pa ata ang layo nito sa istasyon ng MRT. Mataas na ang sikat ng araw kaya maagang sun bathing with matching jogging ang drama ko. At ano pa nga ba? Late na ako. Pagdating ko sa MRT, Mama Mia Santa Claus! Parang flag ceremony sa haba ang pila! 9:20 na ng makapasok ako sa tren at doon ay nakawitness ako ng isang tagpo sa teleserye.
Babae 1: (irap)”Nasa loob ka na nga bakit nanunulak ka pa ha?!” (irap uli)
Babae 2: (taas ng kilay) “Nakaupo ka na nga, ano pa ba problema mo ha?!
Huwaw! Parang si Marimar at Angelica na pinagaagawan si Sergio este ang upuan sa MRT. Nakakatakot ang panlilisik nila ng mata sa isa’t-isa. Nang makwento ko ito kay Mami, sabi niya ay patikim pa lamang iyan ng mga kadramahang karaniwang nagaganap pagsakay sa MRT. 9:30 ako dumating sa Mega. Hinanap ko agad ang Mcdonald’s at doo’y nakita ko na sila Ate Claye, Ate Teenah, Janelle, Pau at Ghelai and Bro. Awa ng Diyos ay hindi pa naman nila ako sinusumpa. Mayroon pa pala kaming ibang hinihintay. Si Ate Claye naiwan ang wallet niya sa bahay at ayun, namromroblema kung paano siya makakauwi. Si Janelle naman ay napakabusy sa paglalaro ng kanyang PSP. Makalipas ang ilang sandali ay dumating na daw si Sia. Pinuntahan namin siya sa Jollibee at nagsimula na kami ng aming paglalakbay tungo ng Pasig.
Balik sunbathing nanaman ako, matindi na talaga ang epekto ng Global Warming, Greenhouse Effect at Climate Change sa Earth. At bago pa ako dumiretso sa pag-nonosebleed i2loy nalang natin ang aking kwento. Ilang minuto pa at nakarating na kami sa sakayan ng jeep papuntang Rotonda. Di ko nga alam kung anung lugar iyan pero bahala na! Alam naman(sana) nila ang aming patutunguhan. Napakainet! Mejo mahaba din ang byahe kaya mejo sumasama na rin non ang aking pakiramdam. Buti nalang bago pa man din ako matuluyan ay bumaba na kami saka naman naglakad papuntang sakayan ng tricycle. Naaliw naman ako sa sinakyan naming tricycle dahil meron itong front row at back row. Nun lang ako nakakita ng ganun kaya gumana nanaman ang pagka-inosente ng lola nyo.
Sa wakas ay naaninag na namin ang Greenwoods Subdivision kung saan matatagpuan ang lugar na pagdadausan ng aming party. Kumatok kami sa gate ngunit tila walang nakakarinig. Nakita namin ang mga tao sa loob pero wala paring pumapansin hanggang mag-eskandalo na kaming lahat. Laking gulat na lang namin na bukas naman pala ang gate... Anu ba yan, gutom na ata kami.
Pagpasok ay nakita ko na agad ang aking mga pinakamamahal na samsters. Napansin ko agad sila Ate Sarah at Ate Chloe na nag-iihaw ng hotdogs. Sobrang namiss ko sila especially si Ate Chloe na nung Xmas party ko pa huling nakita. Sumalubong din si Ate Madz at Kuya Noriel na na-shock sa aking pagdating dahil akala niya ay hindi ako makakapunta. Pagpunta ko sa may videoke ay naabutan kong nag-coconcert si Ate Yhen at si Kevin. Nakita ko din si Bea at marami pang ibang samsters na bago kong nakilala.
Inaya na ako nila Ate Claye na magpalit ng damit upang kami’y makapag-swimming na. Bago lumubog sa tubig ay nanghunting muna ako ng sunblock dahil ayokong maging ulikba pagkatapos ng araw. Salamat sa sunblock ni Bea na mataas daw ang SPF. Utang ko sa kanya ang hindi pag-itim ng aking kutis. Nang handa na ang lahat ay lumapit kami sa pool, at dahil walang magawa si Ate Claye ay itinulak nya ako kaya dumulas akosa hagdan (aylabyu te claye). So ayun, swimmingan na. After ilang sandali ay umahon din kami, napagdesisyunan namin ni Te Sarah at Te Chloe na ituloy ang pagiihaw ng barbecue kahit kaunti ang uling dahil nakapagpabili na sila.
Nauwi sa kwentuhan ang masaya naming pag-iihaw. Di nagtagal ay jumoin samin si Kevin na nasapok ko dahil inaate at pino-po ako as if sobrang tanda ko na. Siya ang naging taga-ihip upang magbaga ang mga uling. Expert pala si Kev dito kaya di na kami nahirapan, yun daw kasi ang uso sa kabundukan nila kaya sanay na sanay na siya (piz awt). Nagswimming na muli si Ate Chloe pero pumalit sa kanya si Kuya Noriel na ayaw naman magswimming dahil takot maarawan. Kinuwento ko sa kanila ang nauna kong adbentyur sa UP nung Miyerkules na nagkataong bertday ko at para makarelate kayo ay ikwekwento ko ang pinakamalupit na part.
Nakapila na ako para sa physical exam, napakatagal kaya’t nauna matapos si Ian na ibang doktor ang nagcheck-up. Sinabi niya sa akin na wala naman daw pinagawa sa kanya. Nakichismis lang daw ang doctor sa kanyang buhay at pinahinga siya ng ilang beses. Nakahinga ko ng maluwag dahil hindi pala totoo ang sabi-sabi na paghuhubarin ka sa physical exam sa Yupi. Nang tawagin ang aking numero ay dali-dali akong pumasok sa pintuan at doon ay nakita ko ang matandang doktora. Eto ang nangyari...
Dra.: Lock the door! Take off your BLOUSE and your PANTS!
Gernie: (nasa state of shock) po? Ok...
Ansaya db? Parang naholdap lang ako pagpasok ng kwarto na iyon. Hindi ko makakalimutan kung paano ako natameme pagkatapos nun.
Nang marinig nila ito ay halata ang kanilang pagkagulat. Pero si Kuya Noriel ay may sariling hirit. Tungkol naman ito sa physical exam sa mga lalaki. Ganado siya sa pagkwento ng bigla silang tawagin ni Ate Madz para gawing props sa game. Nagreklamo si Kuya Noriel dahil naeexcite siya sa pagkwekwento pero ala siyang nagawa kaya sinabi na lamang niya na tandaan ko ang aming topic. Nainggit kami ni Ate Sarah sa mga naglalaro ng ewan (hndi naman namin nalaman kung ano yung game). Nagpatuloy kami sa pag-iihaw at pagkwekwentuhan ng dumating ang kalahating sako (tancha ko lang) ng uling na sa sobrang dami ay malamang pati kami ay maihaw. Nakabalik na rin ang aming taga-ihip na si Kev at ang excited sa kwento na si Kuya Noriel kaya nagsimula na siya. Wala pa man din akong naiintindihan ay wala nang sinasabing matino si Kuya Noriel, puro “basta” at “ano” na lang ata ang narinig ko. Kaya pala ay censored ang kanyang kwento. Hindi ko na ilalagay dito dahil baka mareport ang hamak kong blog. Basta physical exam ng lalaki at lalaki yung doctor, yun na yun! (Ian, pasalamat ka at tamad ung nag-check up sayo, n_n)
Nagbalik na rin si Ate Chloe, sabi namin ay siya naman ang substitute kasama ni Kuya Noriel (awwwww...... “muling ibalik ang tamis ng pag-ibig”). Ilang sandali lang ay nagsimula na ang kainan ng mga gutom na samsters. Andaming pagkain, tila hindi namin ito mauubos. Sa kalagitnaan ay nag-grand entrance naman ang mahilig sa extremes na si Ate Ada dahil siya ngayon ay extremely late(uli). Well, it’s better late than never di ba Te Ada.
Pagkatapos ng kainan ay swimmingan nanaman syempre. Naisipan nilang maglaro laro na hindi ko alam ang tawag. Basta by pair sya at maglalaban ang dalawang girls habang nkasakay sa balikat ng ka-pair niya. Nagkaroon ng unang laban at nagwagi sina Ate Chloe at Ate Teenah laban sa kina hindi ko na maalala(hehe). Kami dapat ni Ate Claye ang lalaban sa defending champions ngunit hindi kinaya ng powers ko ang bigat niya kaya kaysa pareho kaming malunod ay napagdesisyunang si Ate Yhen nlng ang papasanin ko. Matapos ang dalawang round ay umuwi kaming luhaan. Hindi namin kinaya ang team up ng batong si Ate Chloe at ang papel na si Ate Teenah (ahehe... piz!). Matapos nito ay nagkaroon ng Q & A courtesy of Boy Abunda este Ate Yhen pala. Nauna ang pinakamamahal naming president na si Ate Madz at sumunod na ang ibang members na nasagapan ko ng mga bagong chismis(wahaha). Matapos nito ay “naglaro” kami ng lunuran este patagalan pala sa ilalim ng tubig habang nakabilog at magkakahawak ng kamay. Ilang beses pumalpak ang “laro” na ito dahil di malinaw ang mechanics pero anyways, masaya naman siya kahit paano.
Nang mag-ayawan na, nag-grupo grupo na ang mga samsters para sa kanya-kanyang chikahan. Ang mga nakakwentuhan ko tungkol sa buhay college ay sina Ate Madz, Ate Chloe, Ate Sarah, Kevin at Kuya Noriel na sa buong usapan ay hindi tumigil ang pagnonosebleed. Napag-usapan namin ang Yupi at ang UPCAT. This year kasi ay magtetake na ng pamatay na UPCAT si Kevin at ayun nagpapatulong sakin kahit ako sa sarili ako ay hindi alam kung anong himala ang nangyari kaya ako pumasa (wahaha! ‘nga pala, wala akong backer! Hindi pwede un sa UP, clarification lang sa tao na nag-isip nun, ahehe). Pinramis ko na ipapahiram ko sa kanya ang reviewer ko nung Catalinuhan review ng UP Lakan, ang tanging UPCAT review na naranasan ko. Sinira-siraan ko din ang mga walang kwentang review centers dahil sayang lang ito sa pera. Naikwento naman ni Ate Sarah ang panghihinayang niya sa hindi pag-try sa La Salle, di rin ako nag-try dun kasi di naman namin afford yun noh! Ahehe... Si Ate Chloe at Ate Claye ay sa PUP kaya magkikita-kita na kami ng madalas ‘pag nasa Manila na ako. Kung saan saan pa napunta ang usapan na lagi namang sinisingitan ng nagnonosebleed na si Kuya Noriel ng “hindi ko inintindi ang college basta pumasok nalang ako”, nang biglang dumating si Lolo Dave. 4pm na nun at isang oras na lang ay ieevict na kami mula sa pool, akala ko pa naman si Ate Ada na ang pinakamaaga! Hehe...
Sinimulan ang walang kamatayang piktyur teyking na pinangunahan ni Bea, ang aming official photographer. Lahat ng klaseng pose na maiisip mo, ginawa na namin, maging ang talon effect ay inulit-ulit naming gawin para lang maperpekto. Magaling din kumuha si Bea ng mga stolen shots kaya pati ang mga pinakapangit na ekspresyon ng aming mukha ay makikita sa mga larawan. Pahirapan na naman ito sa pagnanakaw este pag-gragrab pala sa kanikanilang mga multi.
Almost 5 na ng umahon ang lahat, karamihan ay kila Bea magbabanlaw dahil madumi daw ang tubig sa shower. Dun na lang din sana ako ng biglang sinabi ni Ate Sarah na ipang huling banlaw namin ang sumobrang purified water, sayang naman daw kasi itatapon lang. Dahil once in a lifetime lang ako maliligo ng tubig na purified, pumayag na din ako. Totoo nga, madumi ang tubig sa shower pagkat sandali pa lang ay mararamdaman mo na ang kalawang. Buti na lamang at sosyal ang pangbanlaw namin. Masarap pala itong ipaligo, habang nagbubuhos ay pwede mong inumin. Jowk! Pagkatapos ay iba ang aming pakiramdam at napaisip ako na what more kung gatas un tulad ng ginamit ni Cleopatra(waha!), di tuloy ako matigil sa kakasabi ng “purified water ang pinaligo namen!”. Natigil na lamang ako ng biglang mag-comment si Kevin. “Natural tubig kalawang unang ginamit niyo, edi pantay lang.” Oo nga naman, kaya after nun ay nanahimik na ako! Wuahaha...
Magsisix na ng kami’y namaalam sa isa’t-isa. Karamihan ay pupunta pa kila Bea samantalang kami didiretso nang umuwi, sabi ko pa naman kay Dadi, 6pm ay nasa bahay na ko! Nag-tricycle kami tapos nag-jeep, pagdating sa MRT ay nahiwalay na ako dahil magbubus na cla Ate Madz, Ate Sarah,Kevin at 2 SCC Cavite. Mag-isa na akong muli, mamimiss ko ang lahat ng samsters na nakasama ko.
Naglalakad ako papunta sa Shaw Blvd station at nagulat na lamang ako sa isa (nanaman) eksena sa aking harapan. Isang security guard ang may hinuling lalaki na snatcher ata base sa narinig ko sa mga chismosang nakakumpol sa tabi ng tingera ng sigarilyo. Huwaw! Kanina drama ngayon naman action! Kaya bago pa may maganap uling snatchan ay nagmadali na akong umalis , sa kabutihang palad ay maikli na ang pila. Ngunit sa kasamaang-palad muli, ay mukhang sardinas sa lata na ang mga tao sa loob ng tren, ano pa nga ba ang magagawa ko kundi makisiksik dito. Pagdating sa North Ave ay mukha na akong nagahasa kaya pumasok ako sa Trinoma (huh? anu konek?). Dito ay nagtake-out ako ng hapunan sa KFC saka ako lumabas upang lumakad naman patungong SM dahil nandito ang terminal ng van pauwi sa Bulacan.
Nagsimula na ang aking byahe pauwi ngunit hindi pa rin ako makapagdesisyon kung sasama ako sa night swimming ng mga classmates ko sa 8waves. Matagal ang naganap na debate at sa huli ay sinabi ng katawan ko na pagod na siya. Pagbaba ng van ay nagtricycle ako pauwi sa bahay kung saan ako ay nag-iisa dahil si Bebs ay nasa bahay ng tito ko samantalang ang aking mga magulang ay nasa Manila para sa kanilang Dgroup Meeting. Natapos na ang isang mahabang araw. Nakakapagod pero naging masaya ang aking adbentyur. Sana maulit muli (bok2?)
PS:Matapos ang lahat ay may isang bagay na di mawala sa aking isipan. Ewan ko ba! Di ko na lang ilalagay dito dahil maguguluhan din kayo.
PS uli:Salamat nga pala sa pagbabasa ng kadaldalan ko...=)
Labels: summer vacation, wid the scc, yupi escapades